Kapag Ginulo ka ng Pag-ibig
Marami kang iniisip, naiisip at gustong isipin. Pero mas gusto mong malaman ng lahat ng tao ang lahat ng kabangagan mo. Wala lang.
Magpapansin. Umasang may mag-rereply sa senseless thoughts mo.
Mag-advice. Magsabing, "Oo.. naiintindihan kita.."
Pero ayos lang sayo kahit di nila basahin to. Bakit pa? Sino ka ba?
Nakakadiri. Ayaw mong tuksuhin ka nilang, "yuck!! Ang mushy mo pala!!"
Sa lahat ng kaibigan mong humihingi ng advice tungkol sa pag-ibig, ang sinasabi mo lang palagi, "*****, kalimutan mo na lang yang nararamdaman mo. Korni mo e. Ang OA mo pa. Guguluhin lang nyan buhay mo." Ang sasabihin pa nila sayo, "Talaga? Buti ka pa, wala kang lovelife. Di ka stressed. Di ka kinakabahan palagi --"
"At di ako mukhang *****."
May na-offend ka na naman. Pero pakialam mo ba sa kanila? Totoo naman ah.
Tapos bigla mong mare-realize, may problema ka na rin pala. Hayop talaga. Gusto mong sumigaw. Bakit may nanggugulo na rin ng buhay mo ngayon?
Ang dami mong crush, grabe. Yung isang guy na nagyaya ng date sa Greenbelt, yung guy na na meet ko sa BED, Malate, yung guy na nasa kabilang building na nagyayang mag coffee sa starbucks kasama ako nung minsang naabutan ako ng malakas na ulan sa tapat ng office nila matapos kong mag client call. Yung guy na nakipagkilala sa MRT Ayala station , yung bigla nalang lumapit habang abala ka sa pakikinig ng bago mong I-pod, matapos makipagkilala ay niyaya kang kumain muna sandali sa Shangri-la sa crossing...
Si Mark na dating taga UP din pero ngayoy Manager na sa isang napakalaking Call Center sa Makati , si Gbhoy ng front desk ng isang 4-star hotel sa Manila , si Karl na dating kasama ko sa Monster Radio 89.9 nung nag Radio One DJ ako. Si Don , agent ko dati nung supervisor pa ako sa isa din malaking call center sa Alabang at si Brad Pitt. Si Mark Walhberg.
Sampu. Imagine?
Pero di naman nila ginugulo ang buhay mo.
Ayos lang di ba? Kaso may isang taong di mo maintindihan kung bakit kahit anong gawin mo, talagang ginugulo pa rin niya yung buhay mo.
Para siyang mangkukulam. Kahit saan nakikita mo siya.
Inalis mo na noon yung pangalan nya sa phone mo. Kaso sinulat mopa rin yung number nya sa diary mo. Engot ka talaga. Tapos nilagay mo ulit sa cell mo. Tapos inalis mo ulit kase nainis ka. Naihagis mo pa nga sa kama mo yung phone mo e. Tapos naisip mo wala rin namang epekto kung nasa cell mo siya o wala, kaya nilagay mo na lang ulit.Tapos binura mo na talaga ngayon. Panahon na para kalimutan na talaga sya --- naiisip mo.
Okay na? Hinde. Mas malala.
Na-memorize mo na kase yung number nya. Tsk tsk tsk. Naaawa ka na talaga sa sarili mo.
Naiinis ka pa kapag sinasabi sayo ng mga kaibigan mo, "Nakita ko sha sa A.S. kanina." Asar na asar ka. Sabay sigaw with matching facial __expression, "PAKEELAM KO?"
At magtatanong sila ng isang tanong na matagal mo nang hinihintay na sagutin sa harap ng maraming tao: "Baket? Ayaw mo na ba sa kanya?"
Tatahimik ka muna. Parang si Lei sa harap ni **** Chin.
Magbubuntung-hininga. Tititigan silang lahat na naghihintay ng sagot mo.
Biglang magkakaron ng split personality disorder, ngingiti at magsasalita: "Sino yon?"
Nagandahan ka sa ginawa mo. Effective. Wow, para talagang di na nya kilala.
Biglang makikita mo siya. Ayun. Mabubuwisit ka talaga. Maaalala mo yung mga panahong pinagmukha ka niyang *****. Yung panahong kailangan mo siya. Yung panahong iniwan ka nya sa ere... Yung panahong tinalikuran ka nya.
Masisira ang araw mo. Wala ka sa mood makipagtawanan. Sisigawan mo ang kaibigan mong natapakan ang white rubber shoes mo. Gugustuhin mong balatan ng buhay ang lahat ng taong nagtatanong kung bakit ka wala sa mood. Hihilingin mong mong makapag-teleport ka papuntang Egypt.
At bigla mong maririnig ang isa sa mga kaibigan mo, "Ganyan talaga pag in-love." May background pang mga palihim na tawa. At sabay-sabay silang kakanta ng --- Why do birds suddenly appear...
Di ka makakapagsalita. Mararamdaman mong umiinit yung tenga mo, yung leeg mo, yung mukha mo. Bigla mong maiisip ang pinakaepektibong palusot, ngingiti at magsasalita, "Sino yon?"
Ayos na sana, kaso di mo naisip na mali yung statement mo. At bago mo pa mabawi ang sinabi mo, sasabihin na nila, "Baket? Me sinabe bang pangalan??? Yak!! Halata!!!"
Feeling mo masusunog na sa init yung mukha mo.
Kahit anong pilit mong kalimutan siya, mabilis talagang kumalat ang balita. Minsan naglalakad ka. May masasalubong kang dalawang taong di mo kilala. Magbubulungan sila. Titingnan ka, mula ulo hanggang paa, at maririnig mo ang isang bulong: "Yan ba?"
Grabe, ang ganda na naman ng araw mo.
Di mo na lang papansinin. Kahit nakikilala mo na sila. Isang araw naman nakikipagkwentuhan ka sa isang client mo. Gwapo. Niloloko mo pa nga tong taong to na siya na ang pinakagwapong taong nakita mo sa personal. Hehe, tawa nya. Ang saya-saya mo, biglang may dadaan sa likod mo na dalawang taong di sinasadyang naging pamilyar na sayo. Lumingon ka, at pagtalikod mo, nagsalita ang isa: "Pinagpapantasyahan e no?" Sasagot ang isa pa, "Oo nga."
Oh hindee!!! Anong nagawa mo??
Titigil ka na sa pakikipagkwentuhan. Aalis ka na lang na punung-puno ng sama ng loob.
Naaasar ka sa lahat ng tao. Bakit kailangang pakialaman ang buhay ng taong ni hindi nila kilala? Bakit kailangang pagtawanan at ipagkalat ang mga bagay na di na dapat pinag-uusapan? Marami pang version yung mga naririnig mo sa kanila. Minsan ganito, "Siya yun." O kaya, "Ows? Yan yon?" Hayop. Marathon eavesdropper ka kase.
Kahit ikaw mandidiri sa iniisip mo.
At matapos mong malaman ang lahat ng bagay tungkol sa kanya, kahit yung nilihim nya at nalaman mo lang nung tapos na, naisip mong kalimutan na lang talaga siya.
One time nakipag-chat ka.
musta luvlyf?
meron b?
wlang kwenta
ows? bkt?
basta. wla syang kwenta.
mahal mo?
huh?
mhl mo p rn un.
weh
honestly, mhl m p rn ba?
argh!
ewan
wlang kwenta pero mhl mo?
tsk tsk
Matitigilan ka. Tititigan mo yung monitor ng matagal.
am i ryt?
hey
Ita-type mo yung "gtg" nang di oras. May kasama pang "nys miting u" para di halatang nabwisit ka sa sinabi nya. Alt-F4. Disconnect. Shut down.
Asar na asar ka na talaga sa sarili mo. Di mo na gustong mag-teleport. Gusto mo na lang talagang ma-dissolve sa hangin.
Ikaw na ngayon ang nangangailangan ng advice. Pero walang kwenta lahat ng sinabi nila. "Kalimutan mo na siya." PAANO? "Wag ka kase magpapaapekto. Wag mo isipin yung sinasabi ng ibang tao." HA?!? ANG LABO!!! "Marami pang iba jan!" EH SIYA NGA LANG EH!!! Aasarin ka pa kapag sinabi nilang, "Bakit di na lang si _____? Yihee! Okay naman siya ah." Ngek, ano yun, ganon lang kadali?
Nakatitig ka ngayon sa monitor. Pabalik-balik ka lang sa lyrics.com, sa CRS, at sa email composer mo. Nakakainis. Di mo na alam kung ano pa ang sasabihin mo.
Tama, bwisit sa buhay yang feelings na yan. May magtatanong pa, "Bakit mo ba yon mahal?" Wow pare, wala kang maisagot. Buti pa sa Math pwede kang manghula ng formula, pwede mong paglaruan ang solution mo. May partial points ka pa. Eh sa tanong na yon? Tsk tsk. Malabong mangyari yon.
At kung BS Love and Affection ang course mo, tol mas mabuti pang mag-shift ka na lang sa BA Emotionlessness and Insensitivity habang maaga. Malamang magkita pa kayo don.
Paulit-ulit mong sinasabi sa sarili mo na wala ka na talagang pakialam sa kanya. Pero bakit pag nakikita mo siya, natitigilan ka pa rin? Minsan, kaibigan mo na yung nagsasabi sayo, O, kala ko ba wala na?
Tatawa ka na lang. Lalakasan mo para di mahalata yung teary eyes mo.
Di ka na naman makakapagsalita. Litong-lito ka na. Di mo alam kung bakit nga ba ganon. Kung bakit ka apektado. Kung bakit nagbabago ang lahat pag nandiyan siya. Kung bakit gustung-gusto mo siyang bigyan ng nerve cells para maramdaman niya ang lahat Lahat.
Ngayon, ipapadala mo to sa mga kaibigan mo, sa mga ka-block mo, at sa iba pang taong wala talagang pakialam sayo. Sa kanilang lahat, di mo alam kung sino talaga ang may tiyagang tapusin ang ganito kahabang senseless na mensahe. Di mo rin alam kung sino talaga ang mag-iisip para sayo. Di mo alam kung sino ang maaapektuhan.
Somehow, gusto mong ma-disconnect ka na lang bigla. Maubusan ng internet credits. Sabugan ng pc. Mag-brown-out. Biglang mag-collapse. Umiyak. Malunod. Maging ipis. Uminom ng Skele-Gro. Mabagsakan ng asteroid. Maglahong parang bula.
Kase, tama yung sinabi ng naka-chat mo. Sinasabi mong walang kwenta, pero mahal mo.
Sobra.
Wednesday, June 07, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment