Wednesday, June 28, 2006

Sana sya na Nga ...

Kay tagal kong ipinagdasal sa Diyos na bigyan Niya ako ng taong magmamahal at makakasama ko sa buhay, 'yung hindi ako paglalaruan at mamahalin ang kabuuan ko, masaya ako kasi pagkatapos ng sanlaksang luha at masasakit na karanasan sa pag-ibig ay ibinigay na Niya sa akin ang taong makakasama ko sa panghabang panahon.
Nag-uumapaw ang puso ko sa kaligayahan. Mabilis ang bawat tibok at sa muling pagkakataon magmamahal akong muli ng walang halong pangamba na matulad ito sa aking nakaraan. Sisimulan naming dalawa ang isang bagong umaga na magkasama. Nagdadamayan at magkayakap naming haharapin ang bawat problemang darating. Ngayon higit kailanman, hindi na ako matitinag at hindi ko isusuko ang isang pagkakataong liligaya ako ng lubusan.
Para akong high school ulit na sumasabak sa pag-ibig sa unang pagkakataon, sa totoo lang kinikilig ako sa mga sandaling ito. Bumibilis ang pintig ng puso ko sa kagalakan.
Alam ko siya na talaga at naniniwala akong itinadhana kaming magsama at magmahalan hanggang sa huling tibok ng aming mga puso.
Thank you Lord. =)

No comments: